hindi ko alam kung itong nararamdaman ko ay naiisip ko lang at nagrereact lang ang puso ko o baka naman nararamdaman talaga ng puso ko at inaanalyze lang ng utak ko.
napapaisip ako, pero dapat hindi na ako napapaisip sa ganitong pangyayari. kasi alam ko naman simula pa sa una na walang patutunguhan itong pakiramdam na ito.
ang sarap sa puso, halos hindi ko maipaliwanag yung tuwa na nararamdaman ko. kahit ilang beses kong itanggi, hindi maitago ng mga labi ko, napapangiti na lang ako :)
pero kahit nasa ikadalawampung baitang na ako sa nararamdaman ko para sa kanya, kahit dumating pa ako sa dulo, alam kong walang daratnan tong mga paang ito, sa bandang huli, ako lang pala ang nakatanaw ng malayo, wala pala akong kasama.
hanggat hindi ko pa naaabot yun, mas pipiliin ko ng bumalik, bumaba sa kung saan dapat dun lang ako naka-lugar.
kung kailan halos gusto ko ng hawakan yung pakiramdam na yun, tsaka ko naman kailangang bitawan. kahit pa masaya ako, wala naman akong magagawa, kundi tanggihan ang inooffer ng panahon.
natatakot ako kasi alam kong malaki ang chance na pwede akong masaktan kapag pinagpatuloy ko to. lalo nat alam kong may iba siyang gusto, kaya bakit ko pa hahayaan lumala tong sakit na to HAHAHAHAHA!
mas mabuti pang umiwas na lang muna ako sa source ng lahat ng ito. habang kaya ko pang makaalis, tatakbo ako ng mabilis, makalayo lang sa pakiramdam na ito.
minsan kahit masaya ka, kapag nakikita ng malinaw ng mata mo ang mga bagay bagay, bibitaw ka na lang talaga.
kahit parang pinagdadamutan ko sarili ko sa mga bagay na alam kong napapasaya ako, ayos lang. wag ko lang hayaan sarili ko itulak ng panahon sa taong alam kong hindi naman para sa akin.
ayos lang ako. yun na lang masasabi ko sa lahat ng kaabnormalan na to hahaha! :))
ayoko sanang iwasan ka, pero kailangan ko na ata. alam kong mas makabubuti yun para sa akin.